FAKE ACCOUNT | POEA, nagbabala sa mga nagkalat na pekeng Facebook page ng ahensya

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa mga pekeng facebook pages ng ahensyang nagkalat online.

Ayon sa POEA – ilang hindi awtorisadong grupo o indibidwal ang umano’y ilegal na gumagamit ng pangalan at logo ng POEA para ilathala ang mga bakanteng trabaho sa ibang bansa.

Kabilang sa mga pinangalanan ng poea na hindi lehitimo ay:


– POEA Jobs Online
– POEA Jobs Agency Hiring
– POEA Jobs Abroad – Accredited Agency
– POEA Jobs Hiring USA
– New Zealand Job Hiring
– POEA Job Agency Hiring USA

Paglilinaw ng ahensya, dalawa lamang ang kanilang official fb pages verified ng facebook, ito ay ang poea.gov.ph at poea.official

Hinimok ng POEA ang mga naghahanap ng trabaho abroad na gamitin ang POEA verification system sa kanilang website.

Facebook Comments