Manila, Philippines – Nagpaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na anim lamang ang denominations sa New Generation Currency (NGC) banknote series.
Ito ay matapos lumitaw sa social media ang P10,000 banknote.
Ayon sa BSP, mayroon lang na 1,000, 500, 200, 100, 50 at 20 piso banknotes.
Sa naturang peke na pera, may litrato ni dating Pangulong Ramon Magsaysay sa harapan habang Mount Pinatubo ang makikita sa likuran at nakasulat ang “sampunglibong piso.”
Banta ng BSP, ang forgery ng Philippine banknotes at ang paggamit ng pekeng pera ay may kaparusahan sa ilalim ng batas.
Apela ng BSP sa publiko, agad na i-report sa pulis o sa National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang forgery at paggamit ng pekeng banknotes, upang mahuli at makasuhan ang mga taong sangkot dito.