ROAD CRASH | Isang pasahero, sugatan sa pagbangga ng bus sa truck sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang pasahero matapos bumangga ang sinasakyan nitong bus sa truck sa kanto ng Taft Avenue at Ayala Boulevard, lungsod ng Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng Alabang TSC Bus ang Ayala Boulevard ng salpukin nito ang gilid ng trailer truck na dumadaan naman sa southbound lane ng Taft Avenue.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapan ng bus at nabasag ang windshield nito.


Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng bus at hindi natansya ang nasa harapan na truck.

Nagdulot naman sa pagbagal ng daloy sa trapiko ang nasabing insidente.

Facebook Comments