FAKE EMBASSY | Publiko, pinagiingat ng DOLE sa mga nagpapanggap na Philippine Embassy

Manila, Philippines – Pinagiingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko partikular sa mga nagnanais magtrabaho abroad, na naglipana na naman ang mga mapagsamantalang indibidwal at nagpapanggap na tauhan ng Philippine Embassy.

Base sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office sa London, mayroong isang email account na nagpapanggap bilang Philippine Embassy at nag re-recruit ng mga manggagawa mula sa ibang bansa.

Sa kasalukuyan, nakikipagugnayan na ang London Labor Attache ng DOLE sa iba pang sangay ng pamahalaan upang matukoy at mapapanagot ang mga nasalikod ng nasabing panlilinlang.


Facebook Comments