PWERSA | SPARU Unit ng NPA, mas pinalakas ang operasyon

Manila, Philippines – Lumakas pa ang pwersa ng Special Partisan Unit o SPARU ng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ito ang nadiskubre ng PNP dahil sa madalas na pagatake ng SPARU lalo na sa mga urban areas.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, mas maraming pagatake ang SPARU sa mga urban areas ng Mindanao, Region 13, Region 11, Region 10 at may mangilan-ngilan din sa Region 12.


Aniya nais kasi ng SPARU na patunayan sa publiko na malakas pa rin ang kanilang pwersa at mas maigting ang kanilang operasyon.

Target patayin ng SPARU ay mga pulis at sundalo.

Pero tiniyak ni Dela Rosa na mahihirapan ang SPARU na makontrol ang isang urban area, dahil sa teknolohiya, isang text message lang aniya ay makakagulo na ito sa operasyon ng SPARU.

Hindi katulad aniya noong 1980s na nakokontrol ng SPARU ang isang lugar.

Sa ngayon aniya aalamin pa nila ang dami ng mga kaso ng pagpatay ng SPARU sa sundalo at pulis.

Facebook Comments