Bagamat hindi pa masyadong eksperto kung tutuusin ang mga nambibiktima ng fake food delivery at messenger cloning ay maituturing pa din umano itong nakakabahala ayon sa RACU 1.
Sa naging panayam ng iFM Dgupan kay PSMS Archimedes Fernandez ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1, sa kanilang imbestigasyon ay hindi pa umano eksperto ang mga gumagawa ng fake food delivery at messenger cloning.
Pawang mga professionals at mga pulitiko lang aniya ang binibiktima ng mga ito dahil sila ang may kakayahang magbayad.
Samantala, mga bangko at financial institution na aniya ang tinatarget ng mga suspek kung talagang gamay na nila ang pamemeke.
Matatandaan na ilang mga pulitiko na sa Pangasinan ang nabibiktima at ginagamit sa pamamagitan ng fake food delivery at messenger cloning bagay na kanilang iniimbestigahan pa dahil sunod-sunod na rin aniya ang ganitong insidente. | ifmnews
Facebook Comments