Mayorya ng mga Pilipino ang batid ang fake news sa social media.
Sa survey ng Pulse Asia mula September 1 hanggang 7… lumabas na 88 percent ng mga Pilipino ang nakakaalam ng fake news sa social media habang 12 percent ang unaware.
Sa 88 percent, 79 percent ay ikinokonsiderang “hotbed” ng fake news ang social media, 9 percent and hindi sang-ayon habang 12 percent ang undecided.
Ang awareness ng publiko sa fake news sa social media ay pinakamataas sa National Capital Region at Visayas na nasa 93 percent kumpara sa 87 percent sa natitirang bahagi ng luzon at 84 percent sa Mindanao.
Samantala, lumabas din sa survey na 51 percent ng mga Pinoy ang nagsabing nababago ang political views nila base sa kung ano ang nakikita nila sa social media.
Isinagawa ang survey kasunod ng pagpapawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ng kritiko niyang si Senador Antonio Trillanes IV.