Manila, Philippines – Ipinatitigil ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang umano’y Fake War On Drugs ng Duterte administration. Sinabi ni Zarate na peke ang kampanya sa iligal na droga ng pamahalaan dahil ang mga bigtime drug syndicates at drug lords at nakakalusot pero ang mga mahihirap na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga ay agad na pinapatay. Wala din aniyang accountability ang mga otoridad na nagpapatupad nito dahil sa libu-libong mga napatay sa kampanya kontra iligal na droga ay napopromote pa ang mga pulis na napatunayan namang nagkasala. Inakusahan naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na drug protector ang pamahalaan dahil malinaw naman ang mga ebidensya laban sa mga pinaghihinalaang drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co pero nakakapagtaka na wala man lang makitang probable cause dito ang Department of Justice. Hiniling naman ni ACT Teachers Rep. France Castro na bukod sa itigil ang war on drugs, dapat na mag-concentrate ang gobyerno sa mga drug smugglers na may kinalaman sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa. Humirit naman si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na kung hindi mag-reresign si Aguirre ay sibakin na ito sa pwesto ni Pangulong Duterte.
FAKE WAR ON DRUGS | Pekeng war on drugs, ipinapatigil ng mga taga-oposisyon; Gobyerno, tinawag na drug protector
Facebook Comments