Manila, Philippines – Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na ibasura ang quo warranto petition na isinampa ng abogadong si Ely Pamatong laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Calida, nararapat lamang na ma-dismiss ang quo warranto dahil sa kawalan ng merito.
Ang petisyon ni Pamatong ay isang ‘nuisance petition’ na puno ng ‘false allegations’.
Base sa quo warranto, inakusahan ni Pamatong si Pangulong Duterte sa paggamit ng kapangyarihan ng chief executive para sa kanyang ‘invalid’ Certificate of Candidacy (COC) noong 2016 elections.
Facebook Comments