BUMWELTA | Rape joke ni PRRD, inalmahan ni VP Robredo

100

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi dapat ginagawang biro ang rape.

Ayon kay Robredo, hindi dapat ginagawang paksa ng katuwaan ang isang seryosong usapin.

Hindi aniya nakakatawa ang anumang biro o pahayag na nagpapahiwatig na kasalanan ng babae kaya siya nagahasa.

Depensa naman ni President Chief Legal Counsel Salvador Panelo, masyado lamang pinalaki at binigyan ng kahulugan ang sinabi ni Pangulong Duterte.

Ani Panelo, proud lamang ang Pangulo na maraming magaganda sa kanyang hometown sa Davao City at isa ito sa nakita niyang dahilan kung bakit mataas ang kaso ng rape sa Davao City.

Facebook Comments