Santiago City – Natimbog kahapon sa isinagawang entrapment operation ng kapulisan ang isang family driver na nanggahasa ng menor de edad sa Victory Norte, Santiago City.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, ang hepe ng Santiago Police Station 1, na kinilala ang suspek na si Guiller Abu, bente tres anyos, walang asawa, caretaker at family driver ng pamilya ng biktima at residente ng nasabing lugar.
Sinabi ni PCI Gatan na unang nagsadya sa kaniyang tanggapan ang biktima na itinago sa pangalang Daisy upang ireklamo si Guiller na umanoy pinagsasamantalahan siya ng maraming beses simula pa noong 2017.
Sa imbestigasyon ni Gatan ay nabatid na ang biktima ay ampon ng may-ari ng malaking bahay kung saan ay pumunta ng USA noong June 29, 2018 at ipinagbilin ang biktima sa suspek na ingatan at ibigay lahat ng kailangan.
Isinalaysay pa umano ng biktima na kapag humingi ng allowance o tuition fee si Daisy ay may kapalit na panghahalay ang suspek.
Dahil dito ay nagkasa ng entrapment operation ang kapulisan kasama ang kasintahan ng biktima at matagumpay naman na naktuhan si Guiller Abu na hinahalay ang biktima.
Samantala nakuha ang dalawang pakete ng marijuana sa shorts ni Abu at sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong kakaharapin ng nasabing suspek.