FAMILY FOOD PACKS, IPINAMAHAGI SA HIGIT 100 PAMILYANG MUSLIM

Nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2)ng Family Food Packs (FFPs) sa mahigit isang daang muslim na pamilya na naapektuhan ng pandemya sa Rehiyon 2.

May 192 Muslim na pamilya ang benepisyaryo ng mga FFPs na ipinamahagi noong Agosto 5 hanggang 10, 2022.

Nagkakahalaga ang mga ipinamahagi sa kabuuang 130,817 pesos na natanggap ng nasabing bilang ng pamilya mula sa mga bayan ng Maddela at Diffun sa Quirino, pati sa Roxas, Alicia, at Cabagan sa Isabela.

Bawat FFPs ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, limang pakete ng kape, limang cereal drink, at sampung sari-saring delata.

Layunin ng DSWD FO2 na matulungan ang kabuuang 1,000 na bilang ng Muslim na pamilya sa rehiyon.

Nakatakda na rin ang distribusyon ng iba pang FFPs sa natitirang pamilya sa mga darating na araw.

Facebook Comments