FAMILY FOOD PACKS, NAIPAMAHAGI SA MGA NASALANTA NG BUHAWI SA BASISTA

Pinamahagian ng family food pack ang mga pamilyang naapektuhan ng buhawi noong Oktubre 4 sa Brgy. Anambongan, Bayoyong, Dumpay, Poblacion, at Navatat.
Nasa sampung pamilya ang napamahagian ng nasabing food packs.
Ang tulong na kanilang natanggap ay mula sa Provincial Social Welfare and Development Office sa Lingayen, Pangasinan at batay sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Basista sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office. |ifmnews

Facebook Comments