
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ligtas at maayos ang mga family tents ng mga naapektuhan ng lindol sa Mati, Davao Oriental.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang mga binigay na tents ay mayroong enclosures para sa proteskyon laban sa ulan.
Bukod dito, mayroon din itong pribadong espasyo para sa bawat pamilya.
Kaugnay nito, sa huling ulat ng DSWD nasa 26 na libong food packs na ang naipamahagi ng ahensya para sa mga naapektuhan ng pagyanig ng magkakasunud-sunod na lindol na naranasan sa lugar.
Samantala, patuloy na mino-monitor ng ahensya ang iba pang request mula sa mga local government units para masiguro na mabibigyan ang lahat ng kinakailangang suporta.
Facebook Comments









