Fanny Serrano hindi na matiis ang hitsura ng teleserye lead stars ng Dos at Siyete!

Image via ABS-CBN News

Binatikos ng sikat na hair and make up guru na si Fanny Serrano ang teleserye production team ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa hindi kagandahang ayos ng kanilang mga lead stars.

“Nananawagan po ako sa lahat ng producers at directors ng mga teleseryes sa channel 2 at 7 na bigyan nyo naman ng panahon na pansinin mabuti ang mga makeup, hairstyle at wardrobes ng mga leading stars nyo! Please naman! Sa totoo lang, malaki ang responsibilidad ninyo na silipin sa monitor kung ano ang tamang image ng character portrayed ng mga artista nyo.”

Ayon pa kay Serrano, dapat saliksikin maigi kung ano ang nararapat na ayos sa mga pinapagawa nilang eksena. Huwag din tipirin ang budget para sa mga hair and make up artists.


“Kailangan ba na naka-full makeup kahit nasa loob ng bahay at matutulog na o kaya magluluto o maglalaba?!! Anoba?!Dapat bang naka-todong contour ang blush-on, lipstick at naka-false eyelashes ang isang mahirap na character nyo? Hellooooo!!! Wala ba kayong ginawang research para pag-aralan kung ano ang tamang look ng mga artista nyo or nagtipid na naman kayo sa budget at naghanap na lang ng mga mumurahing stylist, makeup artist at hairstylist ng teleserye nyo?!”

Dagdag pa niya, destructing panoorin ang mga soap opera dahil sa hitsura ng mga artista.

“Nagsu-super drama kayo sa loob ng bahay na parang dumaan lang muna sa parlor ang characters ng mga artista nyo…na nakaka-destruct sa eksena…na todong kinabitan pa ng wig na hindi naman kakulay ng totoong buhok or halatang-halata ang wig…pati application ng mga white hair sa mga old characters ay ang sakit sa mata, sa totoo lang.
Hwag nyong sisisihin ang mga kinuha nyong mga makeup artists, hairstylists dahil yung lang ang kakayahan nila dahil sa maliit nyong budget sa kanila!”

Aminado si Serrano na minsa’y nag walk out na siya sa ibang mga taping dahil nahihirapan unawin ng ilang celebrities ang kanyang saloobin.

“Hindi ko nilalahat, ok. Meron din naman na nakakalusot sa paningin ko! Hindi ako nagmamarunong pero dahil nasanay na ako at tumanda sa trabahong ito na pinag-aaralan kong mabuti ang kailalimlaliman ng character ng artistang pinahahawakan sa akin para sa kanyang role sa isang teleserye or pelikula…hanggang sa minsan ay nagwo-walkout ako dahil mismo yung artistang pinahahawakan sa akin ay hindi rin naiintindihan ang kanyang role at feeling nya ay basta lagi syang maganda para daw sa mga fans nya kahit ang role nya at tindera lang sa palengke.”

Pinuri niya ang production team ng mga Korean and Japanese movies o series dahil pinagaaralan nito ang tamang look ng mga artista nila.  Sa huli, pinaalalahan niya ang mga taong sangkot na gawin ang tama para tumaas ang ratings ng kanilang palabas.

“Ang tagal-tagal nyo na sa industry pero ganyan pa rin kayo…nagtitipid sa maling paraan!!! Hindi ba kayo aware na matatalino na ang mga viewers nyo…at umaasa pa kayo ng mataas na rating! Hoy Gisiiiiiiiiing!!!

Sumang-ayon ang ilang Facebook users sa saloobing inilabas ni Serrano.

“Good observation TF. I said the same thing to my daughter 2 days ago. The hair and make up do not match the character the actresses portray. Sabi ng anak ko, napagiwanan na tayo ng ibang mga bansa sa paggawa ng mga drama. I’m not an expert, pero it doesn’t take an expert to note the inconsistencies of the appearance and the role/situation the actors are in.

“Todo contour while nagwawalis ng bakuran…hahaha! naka false eyelashes while naglalabada.”

“Tita Fanny!!!! so true ang hanash nyo po!!! Mas in character talaga ang mga KDrama actors and actresses…”

Samantala, isang Drama Producer mula sa Kapuso Network ang nagpadala ng mensahe kay Serran. Aniya, ipaparating niya ito sa kinauukulan at magpapatawag ng meeting para sa lahat ng make up artists at stylists.

Facebook Comments