Fans, nag-react sa Nadine Lustre at Aga Muhlach team up

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang larawan na ibinahagi ng Viva Artist Agency kung saan magsasama si Nadine Lustre at Aga Muhlach sa isang bagong proyekto.

Komento ng isang fan, hindi raw basta-basta tatanggap si Nadine ng proyekto kaya’t asahan na magiging maganda ang kinalabasan nito.

Samantala, karamihan naman ng fans na nagkomento na gusto nila ng JaDine comeback movie.


Sinabi ring masyadong matanda si Aga para kay Nadine.

“I hope na tanggihan ni Nadine ang project na ito. Hindi ko alam ang story pero kung ang role ay magpartner sila, parang di na bagay,” ani ng isang netizen.

Ang iba naman ay nagsabing ka-level na ni Nadine ang mga batikang aktor at aktres na tulad ni Aga at Bea Alonzo.

Facebook Comments