Biyenan, Pinagtataga ng Manugang Patay!

49

Benito Soliven, Isabela – Patay ang isang magsasaka matapos tagain sa Brgy. Sinipit, Benito Soliven, Isabela pasado alas 7:30 ng umaga, July 03, 2019.

Kinilala ang suspek na si Orlando Aggari, walang asawa, 51 anyos, at residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Benito Soliven Police Station, dala umano ng suspek ang itak nito nang magtungo sa bukid saka pinagtataga hanggang mamatay ang biktimang kinilala bilang si Primo Bautista, may asawa, 60 anyos, at residente ng nasabing lugar.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa opisina ni Brgy. Captain Manuel Latawan at dinala sa Police Station matapos ang nasabing pangyayari.

Dinala na ang labi ng biktima sa pinakamalit na punerarya.

Sa ngayon ay iniimbistegahan pa ng PNP Benito Soliven ang nasabing pangyayari para sa karagdagang dokumentasyon.

Facebook Comments

From Advertisers