Farmers Congress, Muling Isasagawa sa Dinapigue, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Handa na ang Pamahalaang Panlalawigan para sa muling gaganaping Farmers Congress bukas sa Dinapigue, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Romy Santos, ang media Consultant ng Isabela Provincial Office kung saan patungo na ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano at ni Provincial Administrator Rowel Manuel Lopez maging ang mga local na mamamahayag dito sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay ginoong Santos, layunin nito na iparating sa mga nasa malalayong pook ang mga programa at proyekto ng pamahalaan sa mga mamamayan gaya ng Medical at Dental mission ng Provincial Health Office at iba pang mga libreng serbisyo na hatid ng pamahalaan.


Kasama rin sa mga dadalo ay ang mga representative ng bawat departamento ng kapitolyo upang maipaabot rin ng mga ito sa kanilang departamento ang mga mapapag-usapan sa gaganaping Farmers Congress.

Samantala, inihayag rin ni ginoong Santos na bukas pa rin umano ang *Bojie* *-**Rodito* Opportunities *for* Education *Scholarship* o BRO Scholarship program para sa lahat ng mga mag-aral na pumasok sa mga State Universities and Colleges o SUC’s.

Facebook Comments