Friday, February 13, 2026

FARMERS FIELD SCHOOL SA CORN AT SILAGE PRODUCTION, INILUNSAD SA BRGY. CABATUAN, ALAMINOS CITY

Upang mapaunlad ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka sa produksyon ng hayop, inilunsad kahapon ang Farmers Field School on Corn and Silage Production sa Brgy. Cabatuan, Alaminos City na naglalayong turuan ang mga magsasaka ng tamang pamamaraan ng silage production upang mapataas ang ani ng gatas mula sa kalabaw at iba pang alagang hayop.

Ang silage production ay proseso ng fermentation ng mais (dahon at katawan)upang gawing masustansyang pagkain para sa mga hayop, na makatutulong sa pagpapabuti ng kalidad at dami ng gatas.

Kasama sa mga benepisyaryo at kalahok ng Farmers Field School ang Alaminos City Carabao Raisers and Agricultural Cooperative (ACCRACo) at Brgy. Sabangan Goat Raisers Association (BSAGRA), na magsasagawa ng praktikal na pagsasanay sa tamang pamamaraan ng silage production.

Ang programa ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka, mapabuti ang produksyon ng hayop, at itaguyod ang mas matatag at sustainable na kabuhayan sa komunidad.

Facebook Comments