Farmers Plaza, humingi ng paumanhin sa trans woman na hinarang sa female CR; nilaglag ang janitress

Gretchen Custodio Diez on Facebook

Humingi ng paumanhin ang Farmers Plaza, Miyerkules, sa trans woman na si Gretchen Custodio Diez na pinagbawalang gumamit ng pambabaeng palikuran sa loob ng mall sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

“We would like to apologize to Ms. Diez for the treatment she has received from a member of the cleaning crew,” saad ni Morriel Abogado, property general manager ng Farmers Plaza sa isang pahayag.

Nilinaw naman ng pamunuan na hindi nila direktang empleyado ang janitress na sangkot sa insidente.


“We hope this isolated incident, clearly a mistake committed by an agency worker not organic to our company, does not define our lasting good relations with all our customers through decades of operations,” saad sa pahayag.

Ipinagbigay-alam na raw ng mall sa ahensyang pinagmulan ng crew ang nangyari upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

Matatandaang hinarang ng janitress si Diez sa female CR at “kinaladkad” sa administration office kung saan nakarinig ng masasakit na salita ang trans woman.

BASAHIN: Transgender woman, inaresto matapos pagbawalan sa pambabaeng CR sa Cubao

Sinabi rin ni Diez sa pulisya na pinosasan siya ng isang guwardya ng mall na nangatwirang “standard procedure” ito.

Ngunit itinanggi ng pamunuan na hindi nila ideya na posasan si Diez at hindi rin daw ito nangyari sa loob ng mall.

“We wish to clarify that handcuffing Ms. Diez was not the idea of Farmers Plaza management, nor was it done within our premises. We are unaware of the reason or basis why the police thought this was necessary at all,” ani Abogado.

Nangako naman ang Farmers Plaza na hindi na mauulit pang muli ang parehong pangyayari.

Nangalampag sa social media ang insidente at kinondena ito ng mga mambabatas at maging ilang artista.

Facebook Comments