Fashion style ni KZ Tandingan, tinawag na “trying hard” ng kanyang basher; singer – napikon!

Showbiz – Napikon ang singer na si KZ Tandingan sa komento ng isang netizen na pumuna sa kanyang fashion style.

Kasunod ito ng ipinost niyang larawan kung saan naka-androgynous look (wearing oversized shirt, suits, slacks usually color black, white or shades of gray) si KZ.

Sabi ng netizen, masyado na raw atang trying hard ang aura at ang fashion style ng singer.


Pinayuhan pa niya si KZ na maging simple at natural lang gaya nina Sarah G., Angeline Quinto at Klarisse De Guzman.

Sagot naman ng singer – na-appreciate niya ang pagiging concern ng netizen sa kanyang pananamit pero depensa niya, bilang singer at performer, ‘yun ang style na gusto niya.

Wag rin daw siyang ihahambing sa ibang singer dahil kung ano siya yun ang gusto niyang makikita ng tao sa kanya.

Ipinagtanggol din niya ang kanyang supporters matapos na tawaging “kunatay” ng kanyang basher.

Aniya, i-unfollow na lang siya o kaya’y iba-block niya ang netizen at ire-report ang kanyang account.

Facebook Comments