Fast Food Chain sa Nueva Vizcaya, Inararo ng Sasakyan!

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang lalaki matapos na araruhin ng pick-up na sasakyan ang isang kilalang fast food chain sa Gaddang Street, Brgy. Poblacion South, Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang sugatan na si Christian Fei Alamo nasa tamang edad at residente ng Dupan Street, Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Dakong 9:40 kagabi nang iparada sana ni Florante Magday, 20-anyos, may- asawa, residente ng Sitio Dipilipig, Brgy. Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya ang kanyang minamanehong pick-up sa harapan ng fast food chain.


Hindi umano nakontrol ni Magday ang manibela kung kaya’t dumiretso ito sa bahagi ng fast food chain.

Nabasag ang salamin at nasira ang ilang upuan at lamesa na ikinasugat naman ni Alamo na kasalukuyang nagmemeryenda sa loob ng mangyari ang insidente.

Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong physical injury and damage to property si Magday.

Facebook Comments