Vice Ganda, may hamon kay pastor Quiboloy

Matapos mag-trending sa social media ang pahayag ng nagpakilalang ‘appointed son of god’ at ‘owner of the universe’ na si pastor Apollo Quiboloy na napahinto niya ang lindol sa Mindanao sa pamamagitan lang ng pagsigaw ng ‘lindol, stop!.’

Tahasang hinamon ni Vice Ganda si pastor Apollo Quiboloy na pahintuin ang sikat na teleserye na “Ang Probinsyano” at ang masikip na traffic sa EDSA.

Say ni meme Vice, dapat kabahan na si Cardo Dalisay, ang karakter ni Coco Martin dahil posibleng wakasan na ito ni Quiboloy.


Aniya kung totoong napahinto aniya ng pastor ang lindol, sinabi ni Vice na dapat ay mapahinto rin ng pastor ang teleserye maging ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

Una nang binatikos ang Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. founder dahil sa pagmamalaking napahinto ang lindol sa Mindanao.

Facebook Comments