Lumagda sa isang Memorandum Of Agreement o MOA ang Manila City Government at ilang kilalang fast food chain para bigyan ng trabaho ang mga senior citizens at mga persons with disabilities pwds.
Base sa kasunduan, magha-hire ang nasabing fast food chain sa kanilang mga branches ng dalawang senior citizen at isang pwd.
Ang mga lolo at lola ay magtatrabaho ng hindi hihigit sa apat na oras sa loob ng limang araw sa kada linggo o mula alas-otso ng umaga hanggang tanghali, pwede ring mula ala una hanggang alas singko ng hapon.
Ang pwds naman ay hindi maaring somobra sa walong oras kada araw ang trabaho.
Ang Manila Public Employment Services Office o PESO ang naatasang tumanggap ng aplikasyon, magsagawa ng interviews at profiling.
Ang mga aplikante ay sasailalim din sa medical na pagsusuri sa Ospital ng Maynila upang mabatid kung kaya ng kalusugan ng mga ito ang magtrabaho sa mga restaurants.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, marapat lang na bigyan ng pagkakataong kumita ang mga matatanda at ang mga kapansanan kung gusto at kaya pa nila.
Ikinatwiran ng akalde na ginagawa ito sa ibang bansa tulad sa Japan at Amerika kaya walang dahilan para hindi maitupad sa atin.