Manila, Philippines – Isinisisi ni Vice President Leni Robredo sa political dynasties ang kahirapan sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa London School of Economic and Political Science, binanggit ni Robredo ang pag-aaral ni Ateneo School of Government Dean Ronald Mendoza tungkol sa koneksyon ng pag-angat ng mga ‘fat dysnasty’ at paglalim ng kahirapan lalo na sa mga lalawigan.
Aniya, makikita kahit saan ang kahirapan tulad ng baku-bakong mga kalsada at walang maayos na edukasyon.
Ang ‘fat dynasty’ na tinutukoy ni Robredo ang dalawa o higit pang miyembro ng isang pamilya na nakaupo o may posisyon sa parehas na geo-political jurisdiction.
Binanggit din ni Robredo ang 10 lalawigan na may highest dynastic share noong 2016 election na kabilang din sa top 20 poorest provinces mula noong 2004:
Maguindanao
Sulu
Lanao del sur
Batangas
Rizal
Pampanga
Bulacan
Nueva ecija
Pangasinan
Ilocos norte
Noong 16th congress, si Robredo ay co-authored ng panukalang batas na nagbabawal ng political dynasties sa bansa.