FATHERLY ADVICE | Piolo Pascual, may payong pag-ibig kay Iñigo

Manila, Philippines – Hindi raw nagkukulang si Piolo Pascual sa pagbibigay ng “fatherly advice” kay Iñigo Pascual pagdating sa lovelife nito.

Kasunod ito ng pag-amin in public ni Iñigo ng pag-ibig niya kay Maris Racal sa mismong album launch ng aktres/ singer.

Say ni Papa P, malaki na si Iñigo at kung ano man ang gusto ng kanyang anak, panindigan daw dapat nito.


Hangga’t sincere, totoo at hindi raw naggagamitan o naglolokohan ang dalawa, wala raw itong problema sa kanya.

Okay din naman daw sa kanya si Maris na inilarawang niya bilang “respectful” at “very sincere”.

Katunayan, mas una pang nakilala ni Piolo si Maris sa PBB episode noong July 2014 kung saan biniro niya ang aktres/ singer na ipapakilala sa anak niyang si Iñigo.

Facebook Comments