KAKAIBA | Mattress company sa Houston, nag-aalok ng trabaho bilang bed-testing snoozetern

Houston – Isang Houston-based mattress company ang nag-aalok ngayon ng trabaho bilang bed-testing “snoozetern”.

Ibig sabihin, pagtulog sa ibinebenta nilang kama ang magiging trabaho mo sa kanila.

Ayon sa mattress firm, layon nila dito na ma-test ang mga bago nilang kama habang idino-dokumento ito sa pamamagitan ng video saka ia-upload sa mga social media platform.


Sa July 23 tatanggap na ng aplikasyon ang mattress firm, dapat ay edad 18 pataas at may talent sa pagtulog sa kahit na anong oras.

Facebook Comments