Faulty electrical wiring, pangunahing dahilan sa mga nangyayaring sunog sa Metro Manila

Pangunahing dahilan pa rin ang faulty electrical wiring sa mga nangyayaring sunog sa Metro Manila ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFP-NCR Public Information Officer Fire Senior Inspector Anna Rizza Celoso na sa nakalipas na limang taon ay nangunguna ang problema sa electrical connection sa mga insidente ng sunog.

Pumapangalawa aniya rito ang open flames o mga napapabayaang nakasindi na kandila o mga niluluto habang ikatlo naman ang mga upos ng sigarilyo.


Kaugnay nito, nagpaaalala si Celoso sa publiko na kahit tapos na ang fire prevention month ay ugaliin pa rin ang pag-check sa electrical wirings sa mga tahanan, at tingnan ang mga tangke ng gasul kung mayroong posibleng pagtagas.

Facebook Comments