FB account ng dating TV host na si Arnell Ignacio, nabura sa hindi malamang dahilan!

268

Manila, Philippines – Umaasa si dating TV host at ngayon ay OWWA Deputy Admin Arnell Ignacio na mababalik ang kanyang facebook account matapos na mabura sa hindi niya malamang dahilan.

Say ni Arnell, nagulat na lang siya nang bigla na lang na disable ang kanyang FB account.

Aniya, noong una ay blocked lang ang kanyang account pero ngayon ay hindi na daw siya na se-search.

Wala naman daw siyang naisip na matinding violation at kung may violation man daw ay hindi siya na warningan.

Labis ngayon ang paghihinatayang ni Arnell lalo na at marami daw siyang memories sa kanyang FB account.

Facebook Comments