Na-hack ang Facebook account ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) kagabi.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Usec. Eduardo Punay, patuloy nilang nire-retrieve ang FB account ng DSWD-NCR.
Nakipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Department of Information and Communications Technology para imbestigahan ang insidente.
Bago ito, kumalat din sa social media ang maling impormasyon hinggil sa pamamahagi ng ayuda dahilan para dagsain ng mga humihingi ng tulong ang kanilang tanggapan.
Facebook Comments