50 hanggang 30 centavos na taas presyo sa diesel at gasolina, nagbabadya sa susunod na linggo

Matapos ang big-time price rollback noong nakaraang linggo, asahan naman ang taas presyo sa produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Ayon sa oil industry, batay sa oil trading nitong January 9 hanggang 13, 2023, posibleng tumaas sa ₱0.30 hanggang ₱0.50 ang presyo ng kada litro ng diesel at gasolina.

Wala pa naman anunsyo hinggil sa presyuhan ng kerosene.


Simula noong Jan 1, umabot na sa ₱2.15 ang itinaas sa kada litro ng gasoline, ₱0.95 sa kerosene; habang bumaba ng ₱0.70 ang diesel.

Facebook Comments