Nabiktima ng hacking ang Facebook page ng Pinoy band na Parokya ni Edgar.
Ayon sa vocalist ng Parokya ng Edgar na si Chito Miranda, na-hack ang kanilang FB page Huwebes ng gabi at tinanggal raw silang lahat bilang admins ng page.
Nalaman raw ng vocalist ang nangyari mula sa mga fans matapos magkaroon ng malalaswang posts sa kanilang account.
Pero ang malaswang posts ay hindi mismo sa FB page ng banda kundi naka-share sa newsfeed ng mga followers ng page.
Sa ngayon ay gumagawa na ng aksyon ang Parokya ni Edgar band sa nangyari.
Facebook Comments