FDA, aminadong walang hurisdiksyon sa ginawang distribusyon ng Ivermectin ng dalawang kongresista

Walang hurisdiksyon ang Food and Drug Administration (FDA) kina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Sagip Rep. Rodante Marcoleta na organizer ng “Ivermectin Pan-three.”

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, limitado ang mandato ng ahensya sa pagbabantay sa mga medical professionals para matiyak na ligtas, dekalidad, at epektibo ang gamot.

Aniya, walang sapat na batayan na gamot nga ang Ivermectin sa COVID-19 na hindi rin puwedeng basta mabili sa botika.


Giit ni Domingo, ang Kongreso ang may kapangyarihang parusahan ang mga kongresista sa ano mang pagkakamaling nagawa nito.

Sa kabila nito, tiniyak ni Domingo na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng FDA sa pamamahagi ng Ivermectin nina Defensor at Marcoleta.

Pero ang mga pharmacy at health professionals lang aniya ang maaari nilang maparusahan.

Facebook Comments