FDA at BAI, magtutulungan para sa pagsagawa ng veterinary vaccine testing

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Department of Health at Department of Agriculture para sa pagsasagawa ng mga evaluations sa mga bakuna sa hayop at biologics.

Sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ,inaatasan ang FDA  na mag-isyu ng License to Operate (LTO) sa mga manufacturer, traders at distributor, at retailer ng veterinary drugs at mga produkto, kabilang ang mga bakuna at biologics.

Nakasaad din sa MOA, na mag-isyu ang FDA ng LTO sa BAI para sa pagmamanupaktura o pag-import at ang pag-iisyu ng certificate of no objection para sa importasyon ng BAI ng mga bakuna at biologics para sa pagsusuri at pananaliksik nito.


Ang Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) at African Swine Fever ay parehong nakahahawang  sakit na lubhang nagpapahina sa lokal na industriya ng manok at baboy.

Sa bahagi nito, ang BAI ay inaasahang magsasagawa ng mga pagsusuri upang matiyak na ligtas at  mabisa ang  lokal at imported mga bakuna at biologics.

Ito rin ang mag-eendorso ng mga pribadong aplikasyon sa FDA para sa pagpapalabas ng sertipiko ng pagpaparehistro ng produkto sa mga lokal at imported na produkto.

Facebook Comments