FDA, dapat na magbigay ng regular na update sa COVID-19 vaccine

Hinikayat ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang Food and Drug Administration (FDA) na regular na magbigay ng update sa mga Pilipino patungkol sa status ng mga bakunang kanilang sinusuri.

Bunsod na rin ito ng pagratsada ng COVID-19 vaccine sa United Kingdom, Japan at Amerika dahil sa development sa efficacy ng ilang bakuna.

Giit ni ni Siao, dapat alam ng publiko kung magkakaroon din ng UK at US vaccine sa Pilipinas, libre man ito o ibebenta gayundin kung anong bakuna ang bibilhin ng gobyerno para sa libreng mass vaccination.


Ayon sa kongresista, nararapat lamang na mga doktor at siyentista ang magdesisyon dito dahil ang bakuna ay usaping medikal at siyensya.

Makakatulong din ang regular na update ng FDA para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga Pilipino at maipaalam kung saang yugto na ng clinical trials ang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments