Hindi paiiksiin ng Food and Drug Administration (FDA) ang proseso sa pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) sa China state-owned Sinopharm COVID-19 vaccine.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo na walang VIP treatment at dadaan sa normal na proseso ang Sinopharm bago nila ito pagkalooban ng EUA.
Ito ay kahit na makailang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas preferred nyang iturok sa kanya ang Sinopharm.
Ani Domingo, titiyakin nilang makapapasa sa standards ang Sinopharm bago ito magkaroon ng EUA.
Una nang sinabi ng FDA na hindi pa nila nasisimulan ang evaluation para sa aplikasyon ng EUA ng Sinopharm dahil letter of intent pa lamang ang kanilang ipinadala sa FDA at wala pa ni isang dokumento ang naisumite ng Sinopharm.