FDA, hindi tiyak kung ligtas ang mga produktong ginagamit sa ilalim ng compassionate permit

Hindi sigurado ang Food and Drug Administration (FDA) kung ligtas at dekalidad ang mga produktong ginagamit sa ilalim ng Compassionate Special Permit (CSP).

Matatandaang tinurukan na ng Sinopharm vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.

Paliwanag ni FDA Director General Eric Domingo na hindi dumaan ang mga produkto sa evaluation ng ahensya.


Ang anumang gamot, medical device o food product na hindi rehistrado at ginagamit sa ilalim ng CSP ay hindi magagarantiya kung ligtas at epektibo ito.

Ang sinuman na pinagkalooban ng CSP ay may responsibilidad o pananagutan sa paggamit ng produkto.

Facebook Comments