FDA, hinihintay ang EUA ng Moderna; sapat na supply ng Remdesivir, tiniyak

Hinihintay ng Food and Drug Administration (FDA) ang pharmaceutical company na Moderna na maghain ng Emergency Use Application (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kinukumpleto pa ng Moderna ang kanilang mga dokumento at inaasahang magpapasa ang kanilang local partner ng application ngayong linggo.

Dahil mayroong EUA ang Moderna vaccine sa US at European Union, madali na lamang ang magigign assessment ng FDA sa mga datos.


Kaugnay nito, sinabi ni Domingo na nadagdagan na ang stock ng COVID-19 therapeutic drug na Remdesivir.

Magtatagal ang supply ng gamot sa loob ng isang buwan pero patuloy ang pag-aangkat at ang mga ospital ay kumukuha ng compassionate special permit para rito.

May sapat ding supply ng COVID-19 therapeutic drug na Favipiravir habang mayroong shortage ng Tocilizumab pero inaasahang mapupuno muli ito ngayong linggo.

Facebook Comments