Sen. De Lima, sinagot si Pangulong Duterte: “Ako pa rin ang problema mo?”

106

Sinagot ni Senator Leila de Lima ang mga bagong patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet, sinabi ni De Lima na marami ng mahal sa buhay ang namamatay dahil sa COVID-19.


Sa harap ng krisis, sinabi ni De Lima na siya pa rin ang pinoproblema ng Pangulo.

Dapat aniya maawa ang Pangulo sa kanyang mga kababayan.

“Mr. President, maawa ka naman sa taumbayan. Namamatay na mga mahal nila sa buhay ako pa rin ang problema mo?” sabi ni De Lima sa Twitter.

Nakiusap ang senadora kay Pangulong Duterte na gawin ang kanyang trabaho.



“Magtrabaho ka na lang Duterte. Kung nagtrabaho ka lang sana hindi tayo umabot sa ganito. Huwag ka na lang puro ngawngaw. #DutertePalpak,” ani De Lima.


Si De Lima ay nakakulong mula noong 2016 dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Facebook Comments