Hinikayat ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga buntis na magpabakuna na kontra COVID-19.
Kasunod ito ng pagkakasama na ng mga buntis sa priority groups ng Department of Health (DOH) para sa pagbabakuna.
Ayon kay Domingo, ligtas para sa mga buntis ang bakuna.
Hindi lang aniya itinulak noon ang plano dahil sa limitadong suplay at kaunting impormasyon hinggil sa kaligtasan ng mga bakuna.
Matatandaang una nang sinabi ng DOH na ligtas ang bakuna sa mga buntis sa 2nd at 3rd trimester ng kanilang pagdadalang-tao maging sa mga nagpapasuso.
Facebook Comments