Pagkahawa sa COVID-19 ng mga kabataan, posibleng tumaas pa

Posibleng tumaas pa ang maitatalang pagkahawa sa COVID-19 ng mga kabataan.

Ayon sa mga eksperto, maaaring underreported o hindi lahat ng kaso ng mga batang may COVID-19 ay naire-report dahil ang nakikita lamang ay yung mga nasa ospital.

Kasabay nito, batay naman sa survey ng Philippine Pediatric Society (PDS) ay hindi lahat ng mga bata ay sumasailalim sa test o nagpapakita ng sintomas.


Sa walo kasi anilang ospital sa Metro Manila at sa Zamboanga City, pinakarami sa mga kabataan na nao-ospital ay mga sanggol na hanggang isang taong gulang.

Facebook Comments