FDA, iginiit na epektibo ang COVID-19 vaccine sa kabila ng mga naitatalang tinamaan ng virus kahit fully vaccinated na!

Ligtas ang bakuna at walang dapat ikabahala ang publiko!

Ito ang binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) kasunod ng naitalang dalawang daan at apatnaput dalawang (242) indibidwal na tinamaan ng COVID-19 mula sa 13.8 milyong fully vaccinated Filipinos.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na mas may laban pa rin ang mga bakunado dahil protektado ito sa virus.


Giit ni Domingo, kakaunti lamang ang mga fully vaccinated na tinamaan ng COVID-19 kung saan mula sa 242 individual ay lima lamang ang naitalang nasawi o nasa 0.0017 percent na patunay na epektibo ang bakuna.

Sinabi ni Domingo na ang limang nasawi ay pawang mga senior citizen na may comorbidities.

Facebook Comments