FDA, inalmahan ng isang kongresista sa bagong guidelines para sa registration ng mga gamot para sa COVID-19

Binatikos ni Deputy Speaker at Bagong-Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang Food and Drug Administration (FDA) sa bago nitong guidelines para sa registration ng mga gamot para sa COVID-19 treatment.

Tinukoy ni Herrera ang updated na guidelines ng FDA na inilabas nitong April 21, kung saan nililimitahan ang scope at coverage ng mga gamot na nasa ilalim ng emergency use.

Iginiit ni Herrera na ang paghihigpit na ito ay nagpapawalang-saysay sa pinakalayunin ng gamot kaya nga ito nabigyan ng Drug Products under Emergency Use (DEU).


Bukod dito, ang restrictions sa registration sa mga gamot na nasa ilalim ng DEU ay ini-a-apply sa mga gamot na may ‘positive recommendations’ lamang.

Kinukwestyon din ng kongresista ang isa pang requirement na para mag-qualify ang isang drug product sa ilalim ng DEU ay kailangan ding may nakarehistro ito na counterpart sa FDA.

Matatandaan na isa ang anti-parasitic drug na Ivermectin na pinaniniwalaang gamot sa COVID-19 na hindi pa rin narerehistro sa FDA at wala ring counterpart na produkto na available sa bansa.

Facebook Comments