Tunay na kalusugan ni Pang. Duterte, dapat umanong malaman ng publiko – labor groups

108

Sinisilip ng grupong Federation of Free Workers (FFW) ang tunay na status ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap na rin ng nararanasang pandemya sa bansa.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, dapat umanong malaman ng taumbayan kung ano ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte upang masiguro na kaya pa nitong gampanan ang kanyang trabaho.


Bukod dito, patuloy rin ang kanilang panawagan na mabigyan ng trabaho, ayuda, bakuna, katarungan at kasarinlan o tinatawag nilang TABAK, ang mga manggagawa at mamamayan sa bansa .

Facebook Comments