Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Dapagliflozin ng AstraZeneca bilang gamot sa heart failure.
Ang Dapagliflozin ang kauna-unahan at natatanging gamot sa ilalim ng sodium glucose transport protein 2 inhibitor class ang inaprubahan para gamutin ang heart failure sa mga adult patients na may pumapalyang puso.
Ang Dapagliflozin na isang diabetes medicine ay napipigilan ang cardiovascular death.
Ayon kay AstraZeneca Philippines Country President Lotis Ramin, patuloy nilang iaangat ang pamantayan ng pag-aalaga sa bawat Pilipinong pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng innovative at accessible treatment.
Ikinalugod nila ang pag-apruba ng FDA sa nasabing gamot.
Pero paalala ng AstraZeneca, ang Dapagliflozin ay isang prescription drug at hindi maaring ibigay sa pasyente para sa self-medication.