Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng isa pang bakuna laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director Gen. Usec. Eric Domingo na ito ay ang Covovax o sa Amerika ay tinatawag na Novavax.
Dalawang doses din ang kailangang iturok sa pagitan ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Base aniya sa resulta ng clinical trial, very mild lamang ang adverse effects nito.
Ayon pa kay Domingo, naitala ang 89.7% efficacy rate ng Novavax o Covovax.
Facebook Comments