FDA, ipupursige ang imbestigasyon sa hindi awtorisadong pagpapabakuna

Itutuloy ng Food and Drug Administration (FDA) ang hiwalay nitong imbestigasyon sa paggamit ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ng hindi awtorisadong bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mayroon silang ‘set process’ sa kung paano nilang iniimbestigahan ang mga reklamo at mga ulat tulad nito.

Sinabi rin ni Domingo na nagpasa na ng application para sa Emergency Use Authorization (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine ang United Kingdom-based pharmaceutical company na AstraZeneca.


Inaasahang aabutin ng tatlo hanggang apat na linggo ang pagpoproseso ng evaluation depende kung kumpleto na ang naipasa nilang application.

Ang AstraZeneca ang ikalawang pharmaceutical company na nag-apply para sa EUA sa Pilipinas pagkatapos ng Pfizer na nagsumite ng aplikasyon noong Disyembre.

Ang EUA application ng Pfizer ay pagdedesisyunan ng FDA sa January 14.

Facebook Comments