PNP Chief Sinas, naniniwalang ginahasa si Christine Dacera

122

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na ginahasa ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera bago natagpuang patay sa bathtub sa isang hotel sa Makati City.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, kumbinsido siyang may nangyaring rape.


Binanggit ni Sinas ang mga pasa at sugat ng biktima nang isagawa ang awtopsiya.

Dagdag pa ni Sinas may mga nakita ring fluid sa maselang bahagi ng biktima.

Binigyang diin ng PNP Chief na may mga factors na nagpapakitang nagkaroon ng rape kabilang na rito ang pagkalasing ni Dacera habang nasa party.

Una nang sinabi ni Makati City Police Chief Colonel Harold Depositar na ang mga pasa ng biktima sa binti ay hindi normal sa consensual sex.



Facebook Comments