FDA, kinumpirma na marami nang COVID patients ang gumagaling sa convalescent plasma therapy

Kinumpirma  ni Food and Drug Administration (FDA) Director Dr. Eric Domingo na marami nang ospital ang  nag-aabiso sa kanila hinggil sa paggaling ng Covid-19 patients matapos gamitan ng Convalescent plasma therapy

Ang nasabing therapy aniya kasi ay ginagamit sa mga pasyenteng may infection bagamat ito ay patuloy pa ring isinasailalim sa clinical trial.

Ipinaliwanag din ni Dr. Domingo na ang COVID patients na  ginagamitan ng off-label drugs tulad ng gamot sa HIV at Malaria ay masusing pinagpapaliwanagan ng mga epekto nito at may consent aniya ito ng pasyente.


Samantala, kinumpirma ni Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire na tumataas ang bilang ng recoveries sa COVID dahil mas mataas ang index of suspicion ng mga doktor at ginagamot maging ang probable cases.

Kinumpirma rin ni Dr. Vergeire na malaki na ang nabawas sa backlog ng pagproseso ng samples para sa coronavirus testing.

Mayroon na rin aniya silang naitalagng 18 clusters, habang 3,222 na ang mga close contacts na na-assess mula nang umpisahan ang contact tracing.

Sa kabila nito, kinumpirma ng Department of Health na umaabot na sa 766 healthcare workers sa bansa ang infected ng COVID-19, 339 dito ay mga duktor habang 342 ang nurses.

Umapela naman ang Department of Health (DOH) sa mga negosyante na huwag magsamantala sa taongbayan ngayong nasa gitna ng krisis ang bansa.

Kinumpirma rin ni Dr. Vergeire na patuloy ang kanilang pagbabakuna kahit nakatutok ang DOH sa paglabag sa COVID, lalo na ngayon na panahon ng tigdas.

Nagpa-alala rin ang DOH sa mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) na sundin ang araw-araw na pag-inom ng gamot sa tamang oras.

Facebook Comments