FDA, may go signal na para gamitin sa senior citizens ang Sinovac

65

May basbas na ang Food and Drug Administration para gamitin ang Sinovac COVID vaccine sa mga nakatatanda o senior citizen sa bansa.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ito ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto.


Nilinaw naman ni Domingo na sa paggamit ng Sinovac sa mga nakatatanda, dapat aniyang sumailalim muna ang mga ito sa masusing evaluation sa kalusugan bago bakunahan.

Una nang inihayag ni vaccine expert Dr. Rontgene Solante na maraming mga bansa na rin ang gumagamit ng Sinovac sa senior citizens tulad ng Indonesia at Turkey, bukod sa China at Hong Kong

Facebook Comments